April 17, 2006

The Alik Post

***
Dapat ilalagay ko dito yung litrato mong nakabukaka ka at sabi nga ni biz, bakat bayag ka pa. Pero baka sumobra na ako. kaya eto na lang...
***

'Di ako nakapunta sa despedida ni Alik kasi nasa Batangas pa ako noon. Sabi kasi 6-10pm lang sa San Juan dahil may curfew si Alik. Malas, eh kasi gabi pa alis namin sa Batangas. Gagawan ko na lang si Alik ng entry.

Noong nagkainuman sa bahay ko at wala si Alik noon, napagusapan namin ni Biz si Alik. Siya ang may pakana ng Tanchu's word of the day na nilalagay sa blackboard sa klase. Sa mga hindi nakakakilala kay Tanchu, siya ang kaklase naming naka salamin na ubod ng talino maliban sa Matematika. Ang mga salitang nilalagay doon sa pisara ay parating may kinalaman sa sex. Basta sex. Marami yon. Si Alik din ang nagiisang naka bandana sa class picture namin. Ang usapan eh, gangsta ang suot. Ang sinuot naman ni Alik ay kamiseta at bandanang naka-tabinge. Naka pose pa siyang parang power-rangers. Ang kinalabasan ay para siyang bading na gangsta. Nagkapustahan pa kami ni Biz, na kung si Alik ay napabarkada sa gangsta sa kaniyang titirahang bansa, siya na ang nag-iisang baklang gangsta. WAla akong kopya ng litratong iyon. Sayang.

Habang nagbabakasyon kami sa bahay ni Jose sa Laguna, kami-kami ang nagluluto. Noong magluluto na ako ng pansit canton, pag-angat ko ng mga palanggana sa lababo, may apat na supot ng pansit canton na pinagkainan ni Alik! "Tanginang Alik 'yan" Sabi ko. Pano ba naman ako hindi mapapamura, eh ang ubod ng laking garbage bag ay dalawang yapak lamang ang layo mula sa lababo. Hindi pa doon itinapon!

Alam niyo, si Alik sinuntok ako sa puwet habang tulog akong lasing. Nasa Laguna kami noon, sa mahiwaga ngunit nakatatakot na bahay ni Jose (may aswang don! si kuya rex!). Alas dose na ng umaga noon. Wala akong naramdaman hanggang magising ako kinabukasan. Ang sakit ng puwet ko! Yun pala pinagsusuntok ako ni alik sa puwet! Suntok nga ba? o.... hmmm... Hindi pa ako nakaganti kay Alik. Sinabihan ko na lang si Espi na sabihin kay Alik sa despedida niya na BYE at sabay sapakin niya si Alik sa puwet. Sana nakadating yung mensahe ko.

Pero kahit sinapak mo ko sa puwet kahit walang dahilan, at iniwanan mo ako ng apat na supot ng pansit canton, mammiss ka pa rin namin alik! ym na lang!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home